Gawa Ko To

Ang Gawa Ko To ay isang tindahan ng mga tela at gamit pananahi, panggantsilyo at kung ano ano pang gamit na maari nating gamitin upang gumawa ng damit, pang benta o pang regalo. Ito ay matatagpuan sa 2nd Floor, Unit 204 ng Vega Centre, sa may gate ng UP Los Banos, Laguna (Philippines). Makikita nyo din kami sa FB, IG, Twitter at Shopee.

Ako nga pala si Maris. Nagiisip ako ng magandang pangalan para sa shop na ito at naisip kong mas mabilis sabihin ang Gawa Ko To lalo na ng mga bata. Ang una kong naalala ay noong bata pa ako at pag-uwi ko ng bahay, ipinapakita ko agad sa aking magulang ang ginawa ko sa paaralan. “Gawa Ko To!” Dbale ng hindi pantay, lagpas lagpas o hindi bagay ang kulay…ang importante ako ang gumawa.

Ganyan din sana ang gusto kong ibahagi sa mga bibili ng gamit or kukuha ng mga maikling kurso ng pananahi sa amin. Yun bang mag-enjoy na gumawa ng mga bagay na kaya mo palang gawin at gumaan ang pakiramdam habang ginagawa ito. Kadalasan kasi sa pagsunod sa rules or sa mga “dapat” gawin, hindi na natuto ang tao or hindi na nag-eenjoy. Unang una ikaw lang naman gagamit nyan, so kahit pangit ok lang. Haha. Pero if pang regalo naman, syempre mas special yan kung sarili mong gawa, kahit ano pang kalabasan.

Simple lang diba? Try nyo na!