FAQ

Magkano ang sewing lessons? 

Depende po sa project na matatapos, level of difficulty, fabrics or accessories to be used etc. Usually when we announce the lessons on our FB page or Instagram, it includes the price on the description.

Ang price po ay per student at for the whole session. Let’s say the price is P500, it means it is for one student and the price is for the entire duration of the course as indicated, let’s say 3 hours.

Hindi pa ako nakahawak ng sewing machine/ Wala talaga akong alam sa pananahi/ Puwede ba sa zero level yan? 

Puwedeng puwede po. Mas madali nga po turuan ang hindi marunong kesa sa medyo may alam na kasi mas nakikinig at willing sumunod sa instructions ang wala pa talagang sewing experience.

If beginner po talaga at hindi nakapag sewing nung High School or anywhere else, we do recommend na magsimula po muna sa bag.

Kasali na ba ang tela? 

Opo, included na po ang materials for sewing, sewing machine at tela at sinulid sa babayaran nyo. Ang maiuuwi nyo lang po ay ang natapos nyong gawin at ang pattern (if provided).

Paano pag sarili kong tela?

Same price pa din po kasi package na po yong offer namin, nasa sa inyo na po kung gusto nyong gumamit ng sarili nyong tela. Puede nyo pong iuwi ang tela na provided namin.

Paano mag-enroll?

Pumunta lang po kayo sa shop (pls see address below) magbayad ng fee at magpaschedule. Or you could send us a message online sa IG or sa FB page. We accept payments via BPI Family, BDO, Cebuana or Palawan.

Wala bang discount?

Meron po. If you come in groups, may nirecommend na friend/s. Second time mag lesson sa amin and so on. Huwag mahiyang mag tanong. 🙂

I want to register now!!!